Sunday 26 July 2009

Poem written by a Filipino Engineer



Tao..Saan ka Patungo? (By: George Fosana)

Isang hiwaga na ang kimpal na alabok nang mahingaha’y naging
nilalang sa paraisong kinapal…
Binigyang laya at karapatang maging hari ng kanyang kaisipan
Sumasagwan sa ilog ng buhay
Na di turol ang landas na tatahakin…
…mabato
…minsa’y malalim ang tubig na tila bahaw sa katahimikan
…matinik ang mga siit ng bakawang humahampas ang
mga dahong tumatampal sa nanlalamig na pisngi
sandaling dadako sa maingay na lagaslas ng tubig na
tila naguunahang makahimlay sa dulo ng karimlan.
Mahaba ang paglalayag subalit bawat paglipas ng sandali
ay nagbibigay ng ibayong lakas sa katawang
pinanday ng karanasan
iba’t ibang hugis…kanya kanyang pangarap
ang panahon ay tila napakadaling sandali na ating ninimnimin
napakaraming ugat…
….napakaraming daan ang nilalagusan ng batis ng buhay
naghihintay kung saan papadparin ng along humahawak sa bangkang
papel na patuloy na aanurin ng panahon at pagsubok…
kung saan hahantong ay isang hiwagang sasagutin ng isang paslit
na walang muwang sa mundo…doon sa ibayo
…maghihintay
…magtitiis
… hahanapin ang buhay sa kabila ng kabilang pampang
pasasaan ba’t tao’y dadalhin ng kanyang pangarap doon sa dulo ng ilog
upang hagkan ang karagatang naghihintay ng di malirip na katanungan..

Source

No comments:

Post a Comment